Trailer ng pelikulang “eleksyon”

Suddenly i felt political kaya’t kahit labag sa aking kalooban ang maglabas ng kung ano mang walang kabuluhang pananaw sa pulitika ishi-share ko na din ang libo libong makapulitikang opinyon na nung isang araw pang kating kati na lumabas sa utak ko.  Pagbilang mo ng ilang buwan simula ngayon ay simula na ng eleksyon. Malapit na nga. Hindi pa man mabibilang sa daliri ng kamay at isama mo na ang sa paa ay mararamdaman mo na talaga ito. Sa dami nglumalabas na mga political ads bagamat hindi tahakang tumutukoy sa pangangampanya ay mapapaisip ka na agad kung sino ang mga dapat iboto.At habang papalapit ng papalapit ang araw ay nandiyan na, naglipana na ang mga campaign materials, mga banners,streamers, posters at sa bawat sulok saan ka man tumingin yung pagmumukha nila ang makikita mo ,  bumabati ng happy fiesta, merry christmas, happy new year, happy halloween, happy valentines at kulang na lang kahit yung namatay mo na aso ay gawan din nila ng banner ng pakikiramay or  dahil naka 5/10 ka sa test nyo kanina gawan ka ng tarpaulin para i-congratulate ka para lang maipaglantaran sa buong nayon ang pangalan nila.Hindi rin mawawala ang mga kaliwat kanang mga jingles (meron pang bumanat ng silent Night, valentines day na silent night pa rin) At siyempre nagsimula na ang campaign period nariyan na ang artista, sari sariling istilo ng pangangampanya, kabi kabilang mga pangako- binanggit na ang langit , purgatoryo , maging ang impyerno, Pramis tutulungan ko kayo, Peksman i-aahon ko kayo sa hirap , Hope to die hindi ako mangungurakot, tamaan man ng kidlat uunlad ang bansa.

Sa lahat ng mga tumatakbo sa eleksyon na ito ay sa dalawang posisyon pa lang ako may siguradong iboboto. At sa usaping pampangulo kung nagpapaniwala ka sa mga ginagawang sarbey ng SWS at FALSE asia ay maihahanay ako sa bilang ng mga Undecided. Ewan. Wala akong mapili. Madaming choices pero walang tumama sa panlasa ko. Gasgas na kasi ang mga naririnig kong mga plataporma, mga pangakong lahat naman ay isinusulat sa tubig at mga pangarap at misyong ni isa man ay walang natupad. Kaya’t kung ako ay walang mapili, siguradong ikaw meron. Hindi ko naman sinasabi na wala talaga, may ilang buwan pa. Ikaw ang taong iniisip mo na iboboto mo ngayon, maari yang magbago mamaya, bukas. At kung dumating man ako sa point na pigang piga na ang utak ko at wala talagang matipuhan, ikaw na may tamang desisyon at katulad ko din na may pangarap sa bayan ay magtitiwala na lang sa isang boto mo.

Ang pinakamainit na labanan ay syempre kung nasaan ang pinakamataas. Ang mga taong nakasaad sa baba ay ang mga pinalad na taong nabigyan ng pagkakataon upang mailahad ang kanilang mithiin at pangarap sa bayan, isa sa kanila ang uupo at papalit sa trono ng kasalukuyang administrasyon na gusto na nating tapusin sa madaling panahon. Ang mga paghahambing at ilang paglalahad sa bawat candidate na ito ay base lamang sa aking personal na opinyon at hindi upang baguhin , hikayatin o siraan ang bawat personalidad.

Benigno Aquino, Jr. – ang nagiisang anak na lalaki sa mga anak ng bayaning si Ninoy Aquino Sr at ng ina ng pambansang demokrasya na si Corazon Aquino, kapatid ng sikat na host at actress na si Kris Aquino, bayaw ni James Yap at siyempre ang Uncle ni baby james.
Doubtful ako sa motto nyang “Hindi ako mangungurakot”, maaring siya nga ay hindi but how about those that surrounds him? sa dami ng mga taong may personal na interes kaya pumasok sa pulitika hindi naman nya iyon maiisa isa. Also he did not have the conviction to run right at first, it shows na mahina ang loob niya, kelangan pa niyang kumonsulta sa kung sinong adviser niya. I may sound cold and morbid pero naging sort of timely ang pagkamatay ni Pres. Cory dahil yun ang nagpropel ng candidacy niya.
Pero ang higit na napapansin ko sa kanya parang may plema siya palagi kapag nagsasalita,pero aminin mo nadala ka sa pag-ra-rap nya, hahhahaha at nasaan na ba yun ad nya na lahat ng artista may mga dalang sulo sa kagubatan,na parang naghahanap ng aswang.XD

Manny Villar – Iset aside muna natin C5 controversy.
Ang palaging banat sa political ads nya ay tungkol sa mahihirap. Nandiyan ang dagat ng basura, ang pagpapasko sa gitna ng kalsada, tama naman, hindi lahat mga pulitiko nagdaan sa mga ganung kalagayan sa buhay bago guminhawa at umunlad pero sa palagay ko a candidate who came from poverty does not mean that he can translate his experience into helping majority of the poor in raising the level of their social status – maaring nagawa nya nga ito sa sarili nya, siya din ang tumulong sa sarili nya para maiahon sa kahirapan,NGUNIT hindi nangangahulugan that he have the Greater Ability to do it to the greater number of people. At ang isa pa hindi naman kailangan ng madaming political ads para lang dumami ang boto mo,eh kahit nga basurero kapag ginusto ng tao mananalo, c5 at tiyaga lang. XD

Gilbert Teodoro – A bar topnotcher, a Harvard-trained lawyer, ex- three term congressman, ex-DND chief, a licensed pilot and an Air Force reservist – sa dami ng achievements na yan,ay maaring sa kanya ko na isinugal ang boto ko,  though i see Obama in him sa mga plataporma nya ay hindi sapat yon para mawala ang pangamba at hinala dahil sa iisang partido sila ni PGMA. Aminin man nya o hindi masama ang epekto ng pagkakadikit ng pangalan nya sa kasalukuyang pangulo ,pero kung enjoy ka sa sistema ng kasalukuyang administrasyon eh di dugtungan mo sa pamamagitan ni Gibo!

Dick Gordon –  Lately hindi ko nagustuhan ang ad nya, lalo na yung naka red cross chaleco pa siya – I mean he’s associated with red cross kaya natural dapat andun siya sa mga panahon na ganun. Mas matatanggap ko pa sana na siya kung katu katulong siya ni Bayani Fernando sa pagpipintura ng pink sa buong kamaynilaan or tiga paskil ni Bayani ng Metro Gwapo.

Eddie Villanueva –  ” YOU CAN’T SERVE TWO MASTERS AT THE SAME TIME”
Sinuman ay malayang maghangad na maging ng pangulo ng bansa kung ito ang kanyang masidhing hangarin o tumutugon siya sa hinihingi ng panahon. Dapat nga lamang niyang iwan pansamantala ang kanyang tungkulin sa simbahan upang mapagtuunang mabuti ang pamamahala sa bayan. Pwedeng Pwede tumakbo si Bro. Eddie, bakit hindi, at pwede ding pangulo.

Subalit para sa akin

Pinakadakila at pinakamataas na ang magsilbi sa Diyos kaysa sa bayan.

Joseph Estrada – Section 4 of the Article VII of the Constitution clearly states ” The President shall not be eligible for ANY re-election. Pero sabi ng COMELEC qualified daw siyang tumakbo kung may batas man ukol dito hayaan na lang daw tao ang maghusga at magbigay ng desisyon sa botohan. SSS pension case, Jose Velarde account issue (wi-nidraw na yata nya lahat ng pera nya sa Equitable, lugi na yung EPCI kaya no choice binili na ng BDO XD), name it all, matapos ang mahabang paglilitis heto at pinayagan siyang tumakbo. Ang tanong sino pa ba ang mga boboto sa kanya? Ang sabi nya madami daw taong gustong bumalik siya sa pwesto, at pagbibigyan lang daw nya ang mga ito. Ewan ko kung sino yang mga tao na yan na sinasabi nya. Pero sa tingin ko naman kahit pa tumambling siya ng ilang beses, tumulay sa alambre, maglakad sa apoy, o kumain ng buhay na manok ay malabo pa sa tubig sa kanal na maibalik ang tiwala ng mga taong minsang naniwala sa kanya.
Sa dami ng mga Erap jokes, gawa na lang siya ng compilation baka kumita pa siya, =P.

Ayan sa dami kong sinabing mga negatives ay may napili na ba kayo? (hindi ko na isinama ang 3 pang candidates)dahil pagkatapos nyong mamili, pagkatapos ng eleksyon, pagkatapos ng counting, ay simula naman ng “deduction” ng mga boto at ang vote recount ng COMELEC na inaabot ng jurassic years at kung kelan naman may apat na buwan na lamang sa posisyon ang isang official saka palalayasin at saka pauupuin ang candidate na dapat (daw!!!) na nanalo.

Now all of these presidentiables have their own failures. At kung may ilang mas madami pa ang kapalpakan kaysa sa mga magagandang nagawa, mayroon din namang nakakasilaw ang mga achievements, personal at base sa nakaraang panunungkulan. Kung laging kapalpakan nila ang titingnan niyo katulad ko ay mas mabuti pang wag na lang  bumoto. Ngunit kung desido talagang bumoto ay bumoto ng tama, at naayon sa responsibilidad at konsyensya.

Pahabol: Wala man lang gumaya sa mga ito sa plataporma ni Eddie Gil, babayadan ang utang ng Pilipinas mula sa sariling bulsa, sana meron man lang, sayang ang isang boto XD


Advertisements

2 thoughts on “Trailer ng pelikulang “eleksyon”

  1. Ahahahaha, ang adik! Natatawa ako ng husto dito >>

    may plema siya palagi kapag nagsasalita,pero aminin mo nadala ka sa pag-ra-rap nya, hahhahaha at nasaan na ba yun ad nya na lahat ng artista may mga dalang sulo sa kagubatan,na parang naghahanap ng aswang.XD

    Add na kita sa blogroll ko 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s