Silip sa modernang Sisa – ang pagpapakilala

Ilang taong din akong hinamak, dinuraan at kinunan ng purit dangal ng mundong makasalanan. Sabi kasi nila, (ng mga boses sa paligid ko) pinanganak daw akong walang paglalagyan ng sarili ko.

Kaya’t ang ginawa ko kumunsulta ako sa ilang mga mga manghuhula, albularyo, espiritista, psychic at kung sino sinong mga madam, kung hindi lang na link noon si Madam Auring kay Archie at kung hindi lang siya busy noon sa paggawa ng music video ng “May Asim pa ako” ay marahil nilapitan ko na din siya. Hindi ko din pinatawad ang Western at Chinese horoscope  sa pag asang doon ko matutunghayan ang kasagutan sa nawawalang sarili ko, kahit ang mga movements ng mga planeta at stars ay pinakelaman ko na din.

Isa sa  mga salitang kinaayawan ko ay ang tanong na “Kilala mo ba kung sino ako?”
Madaming ibig sabihin ang tanong na ito. Pwedeng:
1: Mayabang ang nagsasalita
2. May ipinagmamalaking kapangyarihan ang nagsasalita.
3. Mapangmata ang nagsasalita.
4. May kasamang banta ang pagsasalita.

Depende sa sitwasyon. Pero kapag tinanong ka nyan ano ang tamang reaksyon?

A. Manginig at maihi sa salawal dahil sa takot.
B. Manahimik dahil wala kang pakialam sa kung ano man ang gusto nyang palabasin.
C. Gumamit ng sign language sa pagsagot.
D. Humingi ng tawad dahil sa tanong pa lamang nya, makatindig balahibo na ang boses.
E. Kahit hindi sigurado ay maghamon ng away, gumuhit ng square at doon ipakita ang kanyang pinagmamalaki.

Depende pa din sa sitwasyon. Wala naman doon ang gusto kong sabihin. Ang nais ko ay magpakilala. Magbigay ng pahapyaw na ideya sa mga mambabasa kung anong klaseng tao ang may akda ng inyong binabasa, kung ako ba ay normal pa o tao pa ding maituturing. Kesa magmukmok at hanapin ang mga kasagutan na hindi ko naman yata makikita sa kahit anong astrological bodies, o kahit saang horoscope kahit umabot pa ako sa North Polar horoscope ay pinilit ko na na lang pinagkasya na may kasagutan din sa ilang bagay na gusto kong malaman. Matino akong tao, pilit kong yang pinapakain sa aking ego na kasing laki yata ng ice berg.

Tungkol sa akin.

Isa lamang ako damo dito sa mundo. Isang damong kumikislap sa gitna ng mundo at sa buong kalawakan. Kung magtatanong kayo kung may damong kumikislap, meron! Ako. Ako lamang yon. Arte.

Ang paniniwala ko ay magandang matuto at magamit sa makabuluhang bagay ang mga nalalabing panahon sa aking buhay (sa mga may utang sa akin wag muna kayong magsaya di pa ako mamamatay) Kasalukuyan akong empleyado ng isang accounting firm ng isang kumpanyang nakakapagpatanggal ng tamang ulirat at bait sa sarili. Pero wala akong planong magtagal sa ganitong trabaho. Nanghihinayang ako sa 10 oras ng pagpapanggap na may pupuntahan ako sa ganitong klaseng trabaho, na hindi ko ginusto kahit kailan dahil ayoko sa mga numero.

Kaya kung ipapakilala ko ang ilan sa mga inborn talents (naks!) ko na siguro tatanggapin ko pang gawin buong maghapon kahit walang bayad kaysa ipagpatuloy ang kahibangang ginagawa ko sa isang trabaho na unang araw pa lang ay hindi ko na nagustuhan. Ilang beses ko na din yata sinabi na magreresign ako pero ilang araw, linggo, buwan na ang lumipas nandito pa din ako. Pero magreresign na talaga ako.

First love ko ang singing. Naunang na discover ang talent ko (naks!) nung grade two ako sa music subject namin noon, hindi dahil sa magaling akong umawit. Sabi ng teacher ko very good daw ako dahil ako daw ang may pinakamalakas na boses sa mga kumanta noon. YUn lang, hahahhaha. Sandaling natigil ang aking singing career dahil inatupag ko ang pulitika noong mag highschool ako, nahalal akong pangulo ng klase at tumagal ang aking termino ng dalawang taon hangang second year. Iniwan ko ang magulong mundo ng pulitika noong fourth year at naging song leader noong fourth year, bumalik ako sa aking first lab dahil doon talaga ako masaya XD.  Balik tayo noong mga araw ko sa elementary nahubog ang aking talent sa pag do-drawing noong grade three dahil sa aming teacher sa arts na mahilig mag padrawing ng kung ano anong bagay simula sa mga bulaklak, fruits at hangang sa mga kaliiitliitang garapata ay dino-drawing namin (opo hindi exaggerated ang term, magpapatunay nyan yung mga kaklase ko noon, may mga kasama pa yang mga kuto, pulgas, tipaklong at ilang insektong hindi sa science subject ko na-discover kung hindi dito), ewan ko ba bakit nahilig dito si Mrs. Encarnacion. Hanggang ngayon nag drawing pa din ako pero hindi na kasing dalas tulad ng dati, nakakamiss din. Noong college naman nahilig ako sa basketball, naging varsity  ako noong first year college pero hindi ko na tinuloy hanggang second year. May pagka poetic din ako noon,marahil ay natalsikan ng ilang genes ng kung sino mang makata ang nabuhay noon sa aming angkan, may ilang tula na nagbigay sa akin ng ilang awards at may ilan din naman nailathala at nai-paskil sa mga bulletin boards sa campus noong college.

Ano pa ba ang ibang tungkol sa akin? Nahihirapan ako sa pagpapakilala ng sarili ko dahil kahit ako hindi ko alam ang tunay na ligaw ng bituka ko.Pabago bago ako ng isip. Makakalimutin – generally i have good memory naman pero may may ilang simpleng bagay (madalas pala!) nakakalimutan ko. Tamad – no further explanation. Thinker – I do a lot of thinking… a lot… I mean a lot…hehehe .. kapag walang magawa ito madalas ang aking ginagawa.Mabait – oo mabait ako! Walang pakialamanan! #@%$!.Prankster. Loud – madalas. Eto ang dahilan kung bakit madalas ako mapagalitan or mapalabas noong highschool/college/elementary, naranasan ko na din masuspend dahil lang dito, sabi ng teacher ko sa chemistry noon Inahin daw ako ng kadaldalan. Minsan walang lugar. Pero minsan alam ko kung kailan ako mananahimik, sa opisina ko ngaun tahimik talaga ako compare dun sa ibang company na pinagtrabahuhan ko, first time ko naniwala sa sinabi ng aking ina na kung wala din lang akong mabuti sasabihin wag na lang akong magsasalita, pero applicable lang yan dito sa company ngaun ha. Makulit – Makulit talaga ako. Ako ang reyna ng kakulitan. As in Super Duper Uber kulit. Makulit– baka kasi hindi ka naniniwala, naninigurado lang. =P. R – sira ako dyan. Ayoko ng letter na yan. Stupid – yes i am. Hanggang hindi ko natatanggal itong isang bagay na ito sa isip ko estupid akong maituturing, kung habangbuhay kong dala-dala ito eh di habangbuhay din akong STUUUPPEEED… XD. Reyna ng sablay – madalas sa madalas, saka ko na kwento ang milyong milyong kasablayan ko. Opinionated – explain ko pa din ba? =P.

Ngayon may ilang pagbabago na yata ako. Pero hindi kasama yang mga nakasulat sa taas sa mga ipanagbago ko, basta may ilang mental transformation ako, na dulot na din siguro ng aking masalimuot na nakaraan. hahahhaa…Hindi ko alam kung pupurihin ang sarili ko o iti-treat ng icecream , o lalagyan ng malaking star sa noo or kakantyawan at didikitan ng note na Loser ang likuran ko. Ewan ko nga ba kung bakit ‘di ko nagawang i-revive ang positive na bahagi ng katauhan ko noon at idinagdag sa positive na bahagi ng katauhan ko ngayon.  Epekto ata talaga ng pagtagilid ng utak ko o totoo nga ata talaga ang sabi nila na hinding hindi pwedeng isabuhay ang salitang perfection sa lahat ng aspeto.  Kung ‘di ka sang-ayon, ililibre kita ng front seat ticket sa kauna-unahang concert ni Mommy Dionisia.
Ngunit subalit datapwa’t may ilang bahagi sa pagkatao ko na gusto kong manatiling ganito. Yung hindi masyadong pakipot at hindi din masyadong nakatiwangwang. Tama lang.

Kulang pa ang mga sinabi/ikinuwento ko sa tunay na ako, general picture lang yan ng aking munti ngunit makulay na pagkatao, gustuhin ko man na ilathala ang totoong buhay ko dito, hindi pwede. Hindi ako celebrity, hindi ako dyaryo, hindi din karinderya na utang na loob, bukas sa kung sinong gustong dumakma at lamunin ang aking pagkabuo. Kidding.
Maganda na yung iwan ko na lang sa inyo sa kung anong mababasa nyo kung ano talaga ako.

Did you know that: Magka bertdey kami ni Leonardo da Vinci. Wala lang. Kelangan ko lang talaga maisingit ito sa kahit papaanong paraan. =P

Advertisements

One thought on “Silip sa modernang Sisa – ang pagpapakilala

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s