Trailer ng pelikulang “eleksyon”

Suddenly i felt political kaya’t kahit labag sa aking kalooban ang maglabas ng kung ano mang walang kabuluhang pananaw sa pulitika ishi-share ko na din ang libo libong makapulitikang opinyon na nung isang araw pang kating kati na lumabas sa utak ko.  Pagbilang mo ng ilang buwan simula ngayon ay simula na ng eleksyon. Malapit na nga. Hindi pa man mabibilang sa daliri ng kamay at isama mo na ang sa paa ay mararamdaman mo na talaga ito. Sa dami nglumalabas na mga political ads bagamat hindi tahakang tumutukoy sa pangangampanya ay mapapaisip ka na agad kung sino ang mga dapat iboto.At habang papalapit ng papalapit ang araw ay nandiyan na, naglipana na ang mga campaign materials, mga banners,streamers, posters at sa bawat sulok saan ka man tumingin yung pagmumukha nila ang makikita mo ,  bumabati ng happy fiesta, merry christmas, happy new year, happy halloween, happy valentines at kulang na lang kahit yung namatay mo na aso ay gawan din nila ng banner ng pakikiramay or  dahil naka 5/10 ka sa test nyo kanina gawan ka ng tarpaulin para i-congratulate ka para lang maipaglantaran sa buong nayon ang pangalan nila.Hindi rin mawawala ang mga kaliwat kanang mga jingles (meron pang bumanat ng silent Night, valentines day na silent night pa rin) At siyempre nagsimula na ang campaign period nariyan na ang artista, sari sariling istilo ng pangangampanya, kabi kabilang mga pangako- binanggit na ang langit , purgatoryo , maging ang impyerno, Pramis tutulungan ko kayo, Peksman i-aahon ko kayo sa hirap , Hope to die hindi ako mangungurakot, tamaan man ng kidlat uunlad ang bansa.

Sa lahat ng mga tumatakbo sa eleksyon na ito ay sa dalawang posisyon pa lang ako may siguradong iboboto. At sa usaping pampangulo kung nagpapaniwala ka sa mga ginagawang sarbey ng SWS at FALSE asia ay maihahanay ako sa bilang ng mga Undecided. Ewan. Wala akong mapili. Madaming choices pero walang tumama sa panlasa ko. Gasgas na kasi ang mga naririnig kong mga plataporma, mga pangakong lahat naman ay isinusulat sa tubig at mga pangarap at misyong ni isa man ay walang natupad. Kaya’t kung ako ay walang mapili, siguradong ikaw meron. Hindi ko naman sinasabi na wala talaga, may ilang buwan pa. Ikaw ang taong iniisip mo na iboboto mo ngayon, maari yang magbago mamaya, bukas. At kung dumating man ako sa point na pigang piga na ang utak ko at wala talagang matipuhan, ikaw na may tamang desisyon at katulad ko din na may pangarap sa bayan ay magtitiwala na lang sa isang boto mo.

Ang pinakamainit na labanan ay syempre kung nasaan ang pinakamataas. Ang mga taong nakasaad sa baba ay ang mga pinalad na taong nabigyan ng pagkakataon upang mailahad ang kanilang mithiin at pangarap sa bayan, isa sa kanila ang uupo at papalit sa trono ng kasalukuyang administrasyon na gusto na nating tapusin sa madaling panahon. Ang mga paghahambing at ilang paglalahad sa bawat candidate na ito ay base lamang sa aking personal na opinyon at hindi upang baguhin , hikayatin o siraan ang bawat personalidad.

Benigno Aquino, Jr. – ang nagiisang anak na lalaki sa mga anak ng bayaning si Ninoy Aquino Sr at ng ina ng pambansang demokrasya na si Corazon Aquino, kapatid ng sikat na host at actress na si Kris Aquino, bayaw ni James Yap at siyempre ang Uncle ni baby james.
Doubtful ako sa motto nyang “Hindi ako mangungurakot”, maaring siya nga ay hindi but how about those that surrounds him? sa dami ng mga taong may personal na interes kaya pumasok sa pulitika hindi naman nya iyon maiisa isa. Also he did not have the conviction to run right at first, it shows na mahina ang loob niya, kelangan pa niyang kumonsulta sa kung sinong adviser niya. I may sound cold and morbid pero naging sort of timely ang pagkamatay ni Pres. Cory dahil yun ang nagpropel ng candidacy niya.
Pero ang higit na napapansin ko sa kanya parang may plema siya palagi kapag nagsasalita,pero aminin mo nadala ka sa pag-ra-rap nya, hahhahaha at nasaan na ba yun ad nya na lahat ng artista may mga dalang sulo sa kagubatan,na parang naghahanap ng aswang.XD

Manny Villar – Iset aside muna natin C5 controversy.
Ang palaging banat sa political ads nya ay tungkol sa mahihirap. Nandiyan ang dagat ng basura, ang pagpapasko sa gitna ng kalsada, tama naman, hindi lahat mga pulitiko nagdaan sa mga ganung kalagayan sa buhay bago guminhawa at umunlad pero sa palagay ko a candidate who came from poverty does not mean that he can translate his experience into helping majority of the poor in raising the level of their social status – maaring nagawa nya nga ito sa sarili nya, siya din ang tumulong sa sarili nya para maiahon sa kahirapan,NGUNIT hindi nangangahulugan that he have the Greater Ability to do it to the greater number of people. At ang isa pa hindi naman kailangan ng madaming political ads para lang dumami ang boto mo,eh kahit nga basurero kapag ginusto ng tao mananalo, c5 at tiyaga lang.😄

Gilbert Teodoro – A bar topnotcher, a Harvard-trained lawyer, ex- three term congressman, ex-DND chief, a licensed pilot and an Air Force reservist – sa dami ng achievements na yan,ay maaring sa kanya ko na isinugal ang boto ko,  though i see Obama in him sa mga plataporma nya ay hindi sapat yon para mawala ang pangamba at hinala dahil sa iisang partido sila ni PGMA. Aminin man nya o hindi masama ang epekto ng pagkakadikit ng pangalan nya sa kasalukuyang pangulo ,pero kung enjoy ka sa sistema ng kasalukuyang administrasyon eh di dugtungan mo sa pamamagitan ni Gibo!

Dick Gordon –  Lately hindi ko nagustuhan ang ad nya, lalo na yung naka red cross chaleco pa siya – I mean he’s associated with red cross kaya natural dapat andun siya sa mga panahon na ganun. Mas matatanggap ko pa sana na siya kung katu katulong siya ni Bayani Fernando sa pagpipintura ng pink sa buong kamaynilaan or tiga paskil ni Bayani ng Metro Gwapo.

Eddie Villanueva –  ” YOU CAN’T SERVE TWO MASTERS AT THE SAME TIME”
Sinuman ay malayang maghangad na maging ng pangulo ng bansa kung ito ang kanyang masidhing hangarin o tumutugon siya sa hinihingi ng panahon. Dapat nga lamang niyang iwan pansamantala ang kanyang tungkulin sa simbahan upang mapagtuunang mabuti ang pamamahala sa bayan. Pwedeng Pwede tumakbo si Bro. Eddie, bakit hindi, at pwede ding pangulo.

Subalit para sa akin

Pinakadakila at pinakamataas na ang magsilbi sa Diyos kaysa sa bayan.

Joseph Estrada – Section 4 of the Article VII of the Constitution clearly states ” The President shall not be eligible for ANY re-election. Pero sabi ng COMELEC qualified daw siyang tumakbo kung may batas man ukol dito hayaan na lang daw tao ang maghusga at magbigay ng desisyon sa botohan. SSS pension case, Jose Velarde account issue (wi-nidraw na yata nya lahat ng pera nya sa Equitable, lugi na yung EPCI kaya no choice binili na ng BDO XD), name it all, matapos ang mahabang paglilitis heto at pinayagan siyang tumakbo. Ang tanong sino pa ba ang mga boboto sa kanya? Ang sabi nya madami daw taong gustong bumalik siya sa pwesto, at pagbibigyan lang daw nya ang mga ito. Ewan ko kung sino yang mga tao na yan na sinasabi nya. Pero sa tingin ko naman kahit pa tumambling siya ng ilang beses, tumulay sa alambre, maglakad sa apoy, o kumain ng buhay na manok ay malabo pa sa tubig sa kanal na maibalik ang tiwala ng mga taong minsang naniwala sa kanya.
Sa dami ng mga Erap jokes, gawa na lang siya ng compilation baka kumita pa siya, =P.

Ayan sa dami kong sinabing mga negatives ay may napili na ba kayo? (hindi ko na isinama ang 3 pang candidates)dahil pagkatapos nyong mamili, pagkatapos ng eleksyon, pagkatapos ng counting, ay simula naman ng “deduction” ng mga boto at ang vote recount ng COMELEC na inaabot ng jurassic years at kung kelan naman may apat na buwan na lamang sa posisyon ang isang official saka palalayasin at saka pauupuin ang candidate na dapat (daw!!!) na nanalo.

Now all of these presidentiables have their own failures. At kung may ilang mas madami pa ang kapalpakan kaysa sa mga magagandang nagawa, mayroon din namang nakakasilaw ang mga achievements, personal at base sa nakaraang panunungkulan. Kung laging kapalpakan nila ang titingnan niyo katulad ko ay mas mabuti pang wag na lang  bumoto. Ngunit kung desido talagang bumoto ay bumoto ng tama, at naayon sa responsibilidad at konsyensya.

Pahabol: Wala man lang gumaya sa mga ito sa plataporma ni Eddie Gil, babayadan ang utang ng Pilipinas mula sa sariling bulsa, sana meron man lang, sayang ang isang boto😄


Silip sa modernang Sisa – ang pagpapakilala

Ilang taong din akong hinamak, dinuraan at kinunan ng purit dangal ng mundong makasalanan. Sabi kasi nila, (ng mga boses sa paligid ko) pinanganak daw akong walang paglalagyan ng sarili ko.

Kaya’t ang ginawa ko kumunsulta ako sa ilang mga mga manghuhula, albularyo, espiritista, psychic at kung sino sinong mga madam, kung hindi lang na link noon si Madam Auring kay Archie at kung hindi lang siya busy noon sa paggawa ng music video ng “May Asim pa ako” ay marahil nilapitan ko na din siya. Hindi ko din pinatawad ang Western at Chinese horoscope  sa pag asang doon ko matutunghayan ang kasagutan sa nawawalang sarili ko, kahit ang mga movements ng mga planeta at stars ay pinakelaman ko na din.

Isa sa  mga salitang kinaayawan ko ay ang tanong na “Kilala mo ba kung sino ako?”
Madaming ibig sabihin ang tanong na ito. Pwedeng:
1: Mayabang ang nagsasalita
2. May ipinagmamalaking kapangyarihan ang nagsasalita.
3. Mapangmata ang nagsasalita.
4. May kasamang banta ang pagsasalita.

Depende sa sitwasyon. Pero kapag tinanong ka nyan ano ang tamang reaksyon?

A. Manginig at maihi sa salawal dahil sa takot.
B. Manahimik dahil wala kang pakialam sa kung ano man ang gusto nyang palabasin.
C. Gumamit ng sign language sa pagsagot.
D. Humingi ng tawad dahil sa tanong pa lamang nya, makatindig balahibo na ang boses.
E. Kahit hindi sigurado ay maghamon ng away, gumuhit ng square at doon ipakita ang kanyang pinagmamalaki.

Depende pa din sa sitwasyon. Wala naman doon ang gusto kong sabihin. Ang nais ko ay magpakilala. Magbigay ng pahapyaw na ideya sa mga mambabasa kung anong klaseng tao ang may akda ng inyong binabasa, kung ako ba ay normal pa o tao pa ding maituturing. Kesa magmukmok at hanapin ang mga kasagutan na hindi ko naman yata makikita sa kahit anong astrological bodies, o kahit saang horoscope kahit umabot pa ako sa North Polar horoscope ay pinilit ko na na lang pinagkasya na may kasagutan din sa ilang bagay na gusto kong malaman. Matino akong tao, pilit kong yang pinapakain sa aking ego na kasing laki yata ng ice berg.

Tungkol sa akin.

Isa lamang ako damo dito sa mundo. Isang damong kumikislap sa gitna ng mundo at sa buong kalawakan. Kung magtatanong kayo kung may damong kumikislap, meron! Ako. Ako lamang yon. Arte.

Ang paniniwala ko ay magandang matuto at magamit sa makabuluhang bagay ang mga nalalabing panahon sa aking buhay (sa mga may utang sa akin wag muna kayong magsaya di pa ako mamamatay) Kasalukuyan akong empleyado ng isang accounting firm ng isang kumpanyang nakakapagpatanggal ng tamang ulirat at bait sa sarili. Pero wala akong planong magtagal sa ganitong trabaho. Nanghihinayang ako sa 10 oras ng pagpapanggap na may pupuntahan ako sa ganitong klaseng trabaho, na hindi ko ginusto kahit kailan dahil ayoko sa mga numero.

Kaya kung ipapakilala ko ang ilan sa mga inborn talents (naks!) ko na siguro tatanggapin ko pang gawin buong maghapon kahit walang bayad kaysa ipagpatuloy ang kahibangang ginagawa ko sa isang trabaho na unang araw pa lang ay hindi ko na nagustuhan. Ilang beses ko na din yata sinabi na magreresign ako pero ilang araw, linggo, buwan na ang lumipas nandito pa din ako. Pero magreresign na talaga ako.

First love ko ang singing. Naunang na discover ang talent ko (naks!) nung grade two ako sa music subject namin noon, hindi dahil sa magaling akong umawit. Sabi ng teacher ko very good daw ako dahil ako daw ang may pinakamalakas na boses sa mga kumanta noon. YUn lang, hahahhaha. Sandaling natigil ang aking singing career dahil inatupag ko ang pulitika noong mag highschool ako, nahalal akong pangulo ng klase at tumagal ang aking termino ng dalawang taon hangang second year. Iniwan ko ang magulong mundo ng pulitika noong fourth year at naging song leader noong fourth year, bumalik ako sa aking first lab dahil doon talaga ako masaya😄.  Balik tayo noong mga araw ko sa elementary nahubog ang aking talent sa pag do-drawing noong grade three dahil sa aming teacher sa arts na mahilig mag padrawing ng kung ano anong bagay simula sa mga bulaklak, fruits at hangang sa mga kaliiitliitang garapata ay dino-drawing namin (opo hindi exaggerated ang term, magpapatunay nyan yung mga kaklase ko noon, may mga kasama pa yang mga kuto, pulgas, tipaklong at ilang insektong hindi sa science subject ko na-discover kung hindi dito), ewan ko ba bakit nahilig dito si Mrs. Encarnacion. Hanggang ngayon nag drawing pa din ako pero hindi na kasing dalas tulad ng dati, nakakamiss din. Noong college naman nahilig ako sa basketball, naging varsity  ako noong first year college pero hindi ko na tinuloy hanggang second year. May pagka poetic din ako noon,marahil ay natalsikan ng ilang genes ng kung sino mang makata ang nabuhay noon sa aming angkan, may ilang tula na nagbigay sa akin ng ilang awards at may ilan din naman nailathala at nai-paskil sa mga bulletin boards sa campus noong college.

Ano pa ba ang ibang tungkol sa akin? Nahihirapan ako sa pagpapakilala ng sarili ko dahil kahit ako hindi ko alam ang tunay na ligaw ng bituka ko.Pabago bago ako ng isip. Makakalimutin – generally i have good memory naman pero may may ilang simpleng bagay (madalas pala!) nakakalimutan ko. Tamad – no further explanation. Thinker – I do a lot of thinking… a lot… I mean a lot…hehehe .. kapag walang magawa ito madalas ang aking ginagawa.Mabait – oo mabait ako! Walang pakialamanan! #@%$!.Prankster. Loud – madalas. Eto ang dahilan kung bakit madalas ako mapagalitan or mapalabas noong highschool/college/elementary, naranasan ko na din masuspend dahil lang dito, sabi ng teacher ko sa chemistry noon Inahin daw ako ng kadaldalan. Minsan walang lugar. Pero minsan alam ko kung kailan ako mananahimik, sa opisina ko ngaun tahimik talaga ako compare dun sa ibang company na pinagtrabahuhan ko, first time ko naniwala sa sinabi ng aking ina na kung wala din lang akong mabuti sasabihin wag na lang akong magsasalita, pero applicable lang yan dito sa company ngaun ha. Makulit – Makulit talaga ako. Ako ang reyna ng kakulitan. As in Super Duper Uber kulit. Makulit– baka kasi hindi ka naniniwala, naninigurado lang. =P. R – sira ako dyan. Ayoko ng letter na yan. Stupid – yes i am. Hanggang hindi ko natatanggal itong isang bagay na ito sa isip ko estupid akong maituturing, kung habangbuhay kong dala-dala ito eh di habangbuhay din akong STUUUPPEEED…😄. Reyna ng sablay – madalas sa madalas, saka ko na kwento ang milyong milyong kasablayan ko. Opinionated – explain ko pa din ba? =P.

Ngayon may ilang pagbabago na yata ako. Pero hindi kasama yang mga nakasulat sa taas sa mga ipanagbago ko, basta may ilang mental transformation ako, na dulot na din siguro ng aking masalimuot na nakaraan. hahahhaa…Hindi ko alam kung pupurihin ang sarili ko o iti-treat ng icecream , o lalagyan ng malaking star sa noo or kakantyawan at didikitan ng note na Loser ang likuran ko. Ewan ko nga ba kung bakit ‘di ko nagawang i-revive ang positive na bahagi ng katauhan ko noon at idinagdag sa positive na bahagi ng katauhan ko ngayon.  Epekto ata talaga ng pagtagilid ng utak ko o totoo nga ata talaga ang sabi nila na hinding hindi pwedeng isabuhay ang salitang perfection sa lahat ng aspeto.  Kung ‘di ka sang-ayon, ililibre kita ng front seat ticket sa kauna-unahang concert ni Mommy Dionisia.
Ngunit subalit datapwa’t may ilang bahagi sa pagkatao ko na gusto kong manatiling ganito. Yung hindi masyadong pakipot at hindi din masyadong nakatiwangwang. Tama lang.

Kulang pa ang mga sinabi/ikinuwento ko sa tunay na ako, general picture lang yan ng aking munti ngunit makulay na pagkatao, gustuhin ko man na ilathala ang totoong buhay ko dito, hindi pwede. Hindi ako celebrity, hindi ako dyaryo, hindi din karinderya na utang na loob, bukas sa kung sinong gustong dumakma at lamunin ang aking pagkabuo. Kidding.
Maganda na yung iwan ko na lang sa inyo sa kung anong mababasa nyo kung ano talaga ako.

Did you know that: Magka bertdey kami ni Leonardo da Vinci. Wala lang. Kelangan ko lang talaga maisingit ito sa kahit papaanong paraan. =P

Disclaimer

This is a personal weblog. The opinions expressed here represent my own and not those of anyone else.In addition, my thoughts and opinions change from time to time.I consider this a necessary consequence of having an open mind. This weblog is intended to provide a semi-permanent point in time snapshot and manifestation of the various thingies running around my brain, and as such any thoughts and opinions expressed within out-of-date posts may not the same, nor even similar, to those I may hold today.

Hindi naman ako mahilig magsulat, hindi ko din hilig mag isip ng kung ano ang isusulat. In short tamad akong tao. Inaamin ko naman yun, tamad talaga ako. Pero hindi dahil sa tamad akong magsulat ay tamad na din akong magbasa. Magkaiba yun. Ang katamaran ay parang talent lang, may bagay na magaling ka doon at merong hindi, at sa pagiging tamad may mga bagay na tingin mo pa lang ay nakakatamad na at may ilang bagay na iniisip mo pa lang ay na eexcite  ka na. Kayat katulad ng pinagaralan natin sa values education kung ang katamaran ay dito nga natin maihahalintulad, ay dapat nating pagyamanin pa at higit sa lahat ibahagi sa iba. Kayat kung sa kalagitnaan ng pagbabasa mo sa blog na ito ay tinamad ka na, ako ay masaya dahil naibahagi ko ang parte ng pagiging tamad ko sa iyo at na-i- apply ko ang aking natutunan sa Values Education noong first year highschool pa lang ako.Kung ako naman ay iyong tatanungin (kahit hindi mo naman feel ang magtanong ay sasagutin ko pa din)kung bakit tamad akong magsulat  unang una ay hindi naman kagandahan ang sulat kamay ko. Since mag tatype naman ako, kakagatin ko na din ang pagsusulat. Pangalawa ang aking bibig ay mas mabilis kaysa sa aking kamay, pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon bibig ang kailangan para maiparating mo ang iyong naiisip, paano kung ikaw ay nag iisa?  magmumukha kang tanga. Kayat ang kasagutan pala sa libo libong mga bagay , opinion, kritisismo at pagbabarubal na gumugulo sa isip ko maging ito man ay napapanahon, pang pulitika,tsismis, pang telebisyon,radyo,relihiyon,mga kathang isip at sa ilang  makamundong bagay (ahay!)ay ang pagsusulat.

Maaring walang patutunguhan ang bawat mababasa nyo.Dahil mas komportable ako sa freestyle writing, walang concrete na topic, kung saan man mapadpad ang sinasabi, parang nakikipagtsismisan ka lang sa isa mong kapitbahay ng biglang dumaan yung kapitbahay mo na tumama sa jueteng, tsismis, tsismis, or halimbawa pinag tsitsismisan nyo ng mga ka opisina mo yung banggaan na nangyari kagabi ng biglang dumaan yung isang jelai na may asawa na at pinaghihinalaan na pumapatol sa inyong janitor, tsismisan to the max. Flexible ang usapan. Shifting ng topic. At kapag sunog na iyong sinaing na nalimutan mo na dahil sa kakadaldal mo, takbo sa loob ng bahay, at sa trabaho kapag napansin ng lead nyo na laglag na ang productivity nyo dahil mas madami pa ang idinaldal mo, balik sa trabaho. Serious Mode: On.

Tapos ang usapan.

Maaring sa ibang tao na mas malalim mag isip ay walang kwenta ang aking mga ibabahagi dito. Maari  nyo akong kamuhian.Pwede ding isumpa (pero wag nyo naman  ipapa barang) Maari ding tambangan nyo na lang ako sa may kanto sa amin at bangasan. Pwede din na mag paka aktibista ka para lang sa akin gumawa ng rally at mag ingay sa labas ng aming bahay. Anuman ang gawin nyo, hindi magbabago kung ano na ang naisaad at naisulat ko dito.

Ngunit sa kabilang dako, kung kayo naman ay kasing level ng utak mayroon ako ay maari nyo din naman akong mahalin, maaring purihin (dahil tayo tayo lamang ang magkaka intindihan), at higit sa lahat kung sobrang natutuwa na kayo sa akin at wala ng pagsidlan ang inyong nararamdaman at hindi nyo na kaya pang itago, pwedeng pwede nyo din akong ilibre, tumatanggap din ako ng regalo kung ano na lang ang maabot nyo. XDDDDD

Kaya’t bago ko umpisahan ang lahat lahat ng makamundong pagiisip at hangarin ay nais ko munang magpasalamat.

Sa aking mga fans (ahem!) , salamat sa inyong walang sawang suporta, sa mga fan to be at sa mga darating pa, inaasahan kong dadami pa kayo, at iboto nyo na din ako sa susunod na eleksyon!!!